Inay,
Ang nakalipas na lingo ay mas maayos na. Bago dun,
nalunkot ako. Hindi kami nakakapagturo ng kasing karaming lesson na gusto ko,
kaunti ang nakakausap sa daan o sumasagot sa telepono, at maginaw sa labas!
Pero nakikita ko na ngayon na hindi ito ang gawain ni Elder de Jesus, pero Gawain
ng Dyos.
Nung Lunes, nagplano kaming tumawag iang buong oras
pagkatapos ng preparation day. Tawag kami ng tawag, at walang sumagot. At sa
buong araw kami nasa loob ng bahay dahil sa snow. Natapus kaming tumawag sa
cell phoe.
Inisip naming ni Elder Walker, kinansel ng aming isang
appointment yung isang appointment naming sa buong araw. Ano ngayon? Lalabas ba
tayo o mananatili sa bahay? Lumuhod kami at nagdasal. Tinanong naming ang Diyos
kung dapat lumabas at katukin ang mga bahay o manatili at tumawag ng mga hindi
sasagot. Naramdaman naming magiging mahirap pero dapat tumawag pa. Tumawag kami
isang oras pa. Ang huli naming tinawagan ay si Ramone. Sinagot nya ang
telepono! At saka, sabi nya, “The missionaries set an appointment with me once
upon a time, but they nvere came. Can you come over on Monday?” Ma, may
appointment po kami mamaya dahil nakinig kami sa sagot ng Diyos!
Sa Martes po, tinuruan naming si Gma. Jackie na magdasal
kay Heavenly Father lang at hindi kay Jesus, haha. Siya ay nagdarasal sa
parehas nila dahil “Jesus died for us. He deserves our thanks.” Basta po sya ay
sincere. Pero binasa namin ang 3 Nephi 18:19 – “Pray always unto the Father in
my name,”sabi ni Jesus. Tapos tinulungan naming si JP Money ($) sap pag-apply
nya sa BYU at mission. Kailangan po nyang magsubmit ng high school
recommendation, $35, at ecclesiastical endorsement sa apat na araw! At baka ko
po rin kailangan isang bahay. Sabi ko po, “Eagle Mountain, my house?” Sabi nya,
“Maybe.” Ano po ang sabi nyo? Tapos kinausap namin (naming in Elder Fage, galing
sa Harrison, dahil nasa exchange kami), si Bro. Artiga! Sya ay Pentecostal na
asaw ng Primary President naming sa branch. Gusto po nyang maglaro ng Basketbol
sa sabado.
Myerkoles, tinuruan namin si Don. Sya ay depressing. “I
was a journalist, but it’s a dying field now, what with all the new computer
software you have to learn. Where does it say anything in the bible about the
internet, which is responsible for massive significant changes in people’s
lives today?! Not more than 2000 years ago, folks still communicated via stone
tablets.”
Yung gabi na yun, tinulungan naming si Sis. Pesantez
ilipat ang kanyang refrigerator mula sa lumang bahay papunta sa 2nd
story ng bagong bahay na naka tabi ng lumang bahay. Ang probelema ay madulas
ang snow; dinala naming sa loob. At may mga patay, buhay, at mababahong ipis sa
ilalim ng fridge na gumapang sa aming damit habang binubuhat ang fridge.
Masarap. Gumapang ata sila sa bibig ni Elder Walker at nilunok nya. Haha. Next
week ang oven.
Nung Huwebes, tinuruan naming sina Justin at Estela
Kasama ni Ronald galing sa Belleville. Tinuruan din naming si Sis. Roa.
Nakakhanga kung gaanong handa ang youth ditong mag-misyon. Pagkatapos noon,
tinulungan naming syang maghanda para sa Algebra 2 midterm sa library.
Sa Biyernes, tinuruan naming ulit si Gma. Jackie.
Natandaan nya ang tinuro naming sa kanya miske may amnesia sya!
May miting si Elder Walker sa Sabado, umaga. May miting
din ang Spring Garden Branch Missionaries. Pinag-usapan naming ang Branch
activities. Tatanungin naming ang Branch council kung pwedeng maging activity planning
committee kami para i_train ang branch na gawin ang Family Home Evening.
Dahil hindi pa tapos ang miting nila Elder Walker,
sinamahan ko sina Elder Packham at elder Wedel sa North Newark para turuan sila
Latoyaat Janelle tunkol sa Word of Wisdom. Tapos, tinuruan naming ni Elder
Walker si Don sa Kearny. Sinabi nya sa amin na nakakuha na sya ng sagot faling
sa Dyos! Mas marami na ang hope ni Don!
Tumakbo kami sa bahay ng recent convert ko, si Hna.
Basantes dahil may 14th birthday party ang anak nya, si Dana. Sina
Dana at ang panganay, si Jose Anotnio, ay may baptismal date para sa February
23! Sinabi sa akin ni Hna. Basantes, “Elder De Jesus, you have changed my life.
I am closer to my family and God than ever before.” Nakakaiyak na isulat to.
Masyado ko silang mahal! At pinagsasalamatan ko ang Spanish sister missionaries
na iaalagaan sila at binigyan sila Dana at Jose ng baptismal date!
Tapos po sa fast / SuperBowl Sunday, binigyan naming ng
blessing si Sis. Bazan para sa ulcer nya sa paa. Kasama ni Bro. Lewis. Tinuruan
naming si Niko tungkol sa mga decision ditto sa buhay bago sa Judgment. Sa
umaga din pala ay may branch council meeting na pinag-usapan yung pinag-usapan
nung Sabado, tungkol sa branch activity. Aproved! Nandun sa miting si Carmine,
isang less-active member na nag-mini mission noon at talagang active.
Tapos, dahil ang Diyos ay Diyos ng mga milagro, may
pamilyang hindi nanonood ng super bowl sa gabing iyon, sila President at Sister
Mitchell sumama sina Hna. Miriam at Svetlana. Nakakatawa sila at masarap ang
grilled chicken, salad, at Brazilian rice and beans with yucca powder. Bago
kami pumunta sa kanila, nasa bus kami at hindi alam ang ituturo! Nagdasal kami
habang nasa bus at napag-isipan ang Mosiah 4, tunkol sa hindi pag – “run faster
than [we] have strength.” Malakas ang Espiritu Santo habang tinutuo naming, at
lahat ng sinasabi naming ay medaling lumabas sa bibig. Alam kong iyon ang
salita ng Diyos, at hindi sa akin, lalo na pagkasabi ni Sis.Mitchell, “That was
what we needed to hear. Thank you.” Hindi namin iyon malalaman kung hindi kami
nanalangin! …Ito po ang simbahan talaga ni JesuCristo! Mahal ko Siya. Mahal ko
ang Diyos ko. At mahal kop o kayo! Salamat po sa tulong nyong manatili at
mag-umpisang magmisyon ako.
LOVE YOU!
Love,
Elder de Jesus
No comments:
Post a Comment